Pages

Iba't Ibang Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian



Ang paggamit ng iba't ibang uri ng mga pangungusap ay nakatutulong sa epektibong pagsusulat.

Ang mga ito ay:

1.Payak o Simple
Ang isang simpleng pangungusap ay  may  isang simuno, isang panaguri, at isang  ideya.

Halimbawa:
  1.  Kumakanta si Eliza.  Ang salitang "Eliza" ay ang simuno. Ang panag-uri ay ang salitang-kilos na "kumakanta". 
  2. Ang kanta na kakantahin ni Eliza ay nakakaantig ng puso.  simuno= kanta    panag-uri= nakakaantig 
  3. Sina Joseph at Martha ay gumagawa ng saranggola.   tambalang simuno= Joseph at Martha    panag-uri = gumagawa


2. Tambalan

Ang isang tambalan na pangungusap ay may dalawang buong diwa. Ang mga ito ay inuugnay ng mga pangatnig. 

dahil, at, ngunit, pero, kaya, o, habang, kapag, sapagkat, upang

1.Naghintay si Joe kay Lina ngunit si Lina ay nasa opisina pa. 
2.Kaarawan ni Gemma ngayon kaya si Luisa ay  naghahanda para sa selebrasyon.
3.Dumating na  sina Carlo at Nina sa bahay at   si nanay ay tuwang-tuwa.

3. Hugnayan

Ang isang hugnayan  ay binubuo ng sugnay na makapag-iisa at di-makapag-iisa

Ang sugnay na makapag-iisa  ay may buong diwa. Ito ay may simuno at panaguri.
 
Halimbawa:

Sunog!

Kinuha ng aso ang bola. 

Pakihugas ng mga plato.



Ang sugnay na di-makapag-iisa ay walang buong diwa kahit may simuno at panag-uri ito.

Ang mga sugnay na di makapag-iisa  ay nagsisimula sa mga sumusunod:

  • samantalang
  •  pagkatapos
  •  bilang
  •  dahil
  •  bago
  •  kung
  •  maliban kung
  •  hanggang
  •  kailan
  •  sa tuwing
  •  kahit saan
  •  habang
  •  bagaman
  •  kahit na

Halimbawa:
 
ang mga plato
 
nagulat ako kasi
 
nang nakita ko ang ang mga bata

Pagsasanay:

Tukuyin kung ang bawat pangungusap ay payak, tambalan o hugnayan.

Mga Glacier

1. Ang mga glacier ay malalaking yelo at niyebe. 

2. Ito ay nakaimpake nang matagal na panahon hanggang sa ito ay maging  ilog ng yelo na dahan-dahang gumagalaw. 

3. Ang mga glacier ay napakalaki at mabibigat kaya maari nitong ukitin ang lupa. 

4. Ang mga glacier sa North America ay natutunaw nang apat na beses nang mas mabilis kaysa sa 10 taon na ang nakakaraan.

5. Sinasabi ng mga siyentipiko na ang pagtaas na ito ay dahil sa global warming at paiba-ibang pattern ng panahon.