Pages

Iba't Ibang Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit




1. Pasalaysay o Paturol = ang grupo ng mga salitang bumubuo ng isang pahayag
2. Patanong = ginagamit sa pagtatanong
3. Pautos o Pakiusap = ginagamit ito upang ipahayag ang isang utos, pakiusap o kahilingan.
4. Padamdam = nagpapakita ng malakas na emosyon

Pagsasanay:

Isulat sa patalang ang  uri ang bawat pangungusap.

__________________________1. Lagi ka bang  nahuhuli sa eskwela?

__________________________2. Naku,  maaring makaapekto ito sa iyong marka!

__________________________3. Anu-ano ang mga maaari mong gawin upang maging maaga sa klase?

__________________________4. Una, ihanda  ang mga gamit mo sa gabi bago matulog.

__________________________5. Ilagay ang iyong mga damit na panloob, medyas, at uniporme sa tabi ng iyong kama.

__________________________6. Ilagay ang iyong mga sapatos sa isang lugar na madali itong mahanap.

__________________________7. Tingnan rin kung kumpleto ang iyong mga gamit sa bag upang maiwasan ang pag-aaksaya ng oras  sa paghahanap ng kuwaderno, aklat, papel, o iba pang gamit sa ilalim ng sofa,kabinet, o kama  kinabukasan.

__________________________8. Pagkatapos ihanda ang mga kakailanganing gamit, matulog nang maaga.

__________________________9. Kung maaga ka matutulog, magiging magaan ang pakiramdam mo pagkagising sa umaga.

__________________________10. Dahil hindi ka inaantok, magiging madali at mabilis ang iyong kilos kinabukasan.